Friday, November 22, 2013

Ihip at agos

Igapos, ikulong ito ay magwawala
harangin, ipiit ito'y maghuhulagpos
sa langit pagtanaw sila nga'y mawawari
sa puso pagdungaw ika'y mananatili

sa bugso ng ulap, halika't sumabay
paglipad ng dahon tayo'y sumakay
bawat ihip, bawat kaway masdan mo kanyang galaw
ihip ng buhay kasabay sa indak ng kanyang sayaw

itago, ilihis sa huli ay dadaloy
sa ating kalooban ito ay tutuloy
saan man bumaling tinig nya ay aawit
tinig ng pagsibol, pagasang makakamit

sa patak ng ulan, lika't humimlay
paglutang ng dahon tayo'y sumakay
sa daloy ng buhay, pagahon ay taglay
pagbangon paglaban salo ng ating kamay

ihip nyang nanghahawi, kung humiyaw buong sidhi
ay syang hiningang satin ay bumubuhay parati
buhos nyang sumisigaw bawat agos umuugong
dumidilig sa lupa nang bagong mundo ay umusbong