Tuesday, November 20, 2012

Two Moons: Ikaapat na Yugto


Neurochemical Responses


Delta Wave Nanoimplant ka ba?
Bakit?
Kasi di ka maalis sa utak ko...

Ultrasonic Pacemaker ka ba?
Bakit?
Kasi ikaw ang nagpapatibok ng puso ko...

Silicate Corneal Lens ka ba?
Bakit?
Kasi ikaw ang nagbibigay ng kulay sa mundo ko...

May Audiodeficiency ka ba?
Bingi ka ba?

Bingi ka ba!!!?

HOY!!! Kanina pa kita tinatanong!!! Gusto mo bang ituloy ang interview o ano??? Kanina pka pa lutang a!!!


Ganun nga ang nangyari sa interview ko. Natapos dahil sa mga pickup lines. Sa puntong ito hindi na ko aasang makakapasok sa trabahong to. Nasira kasi ang diskarte ko dahil sa reseptyonist na yun.  Kung kanina, nagagandahan ako sa kanya, ngayon parang naiinis na ako. Sa tagal tagal ko na pinraktis ang mga isasagot ko, makakalimutan ko lang pala lahat. Syempre mas mahalaga pa din naman sa kin ang kabuhayan ko kesa sa walang kwentang babae na yun.

Dapat kasi pinagbabawal na nila yung mga receptionist na magaganda lalu na sa mga recruitment. Nakaka-distract kasi. Kung pwede lang ako maghain ng reklamo sa Sysadmin for Labor and Employment, ginawa ko na. Ang kaso lang,  ibabawas na naman yun sa digicred balance ko. Sa ibang araw na lang siguro pag nakabawi.

"Pwede ka nang bumaba, kapatid." sabi ng manager na nag-interview sakin. Kulang na lang itulak ako at itaboy palabas. Parang sobrang dismayado siya sakin.

Lumabas na lang ako ng kwarto at pumunta sa may elevator. "Ground Floor", sabi ko sa voice sensor ng elevator.

Siguro kelangan ko na ulit ayusin ang resume ko at magpasa sa ibang kumpanya. Sa puntong ito papasuikin ko na siguro maski anung trabaho kahit siguro e-Basurero-- oo nga't masyadong nakakaburaot ang pag-eempty ng mga Recycle Bins ng mga megaservers pero papatusin ko na din yun magkapera lang.

Minsan iniisip ko na din magbenta ng laman. Kung hindi nga lang ako takot sa scalpel. Balita ko mahal ngayon ang bentahan ng biceps sa may San Lazaro, umaabot daw ng 150 digicreds bawat guhit. Bwisit na araw talaga to.

Sa wakas may dumating na ding elevator pababa. Buti medyo maluwag ngayon, mga kwarenta lang ang laman. Nung paakyat ako mga limandaan and sakay kaya inabot ng mga ilang minuto bago makarating sa pupuntahan ko.

"Going down." anunsiyo ng elevator. Hay nako, pag-nakarating ako sa baba di ko alam kung anong gagawin ko sa receptionist na yun. Alam ko hindi naman nya kasalanan pero parang kelangan ko maglabas ng sama ng loob pagkatapos ng lahat nang nangyari sa kin. Sabi nga ni Saint Barney Stintson, yun ang Pyramid of Yelling.

"Eighteenth Floor", anunsiyo ulit ng elevator, may sasakay ata. Nakatungo lang ako sa kinatatayuan ko, nagngangalit ang ngipin.

"Sir. Sir." 

May narinig akong tumatawag. Pag taas ko ng tingin, nakita ko ang receptionist. Siya pala ang sumakay.

"Sir. Kumusta po ang interview nyo?"

Wala ako masabi. Nung nakita ko ang mukha niya na parang kumikinang sa fluorescent light ng elevator, parang naputol ang dila ko.

"Ah. Eh. Uhmm."

"Sir! Ano pong nangyari sa interview?" Tanong nya ulit. Lumapit pa siya ng bahagya sa kin kaya mas tanaw ko ang napakaganda niyang mukha.

Wala akong ibang maisip. Kaya ibinulalas ko na lang kung anong lalabas sa bibig ko.

"Delta Wave Nanoimplant ka ba?"



Ikalimang Yugto